Showing posts with label Book. Show all posts
Showing posts with label Book. Show all posts

Thursday, November 14, 2013

Book Boyfriend: Leo Valdez


Pssst! Ano bang pinagkakaabalahan niyo ngayon? Ako nagbi-busy-han ngayon. Walang magawa eh. Walang pasok. Tamad mag type ng story. A! Ito nalang. Magshe-share ako ng book boyfriend ko. Hahaha! Excited na me. Ang gwapo niya kasi eh. Oyy! Sa mga bitter. Umalis na kayo. Wag kayong manggulo sa blog ko hahahaha.

*Drum Rolls*

Sa totoo lang nahihirapan akong hanapan siya ng art works. lahat kasi magaganda. Pero dapat isa lang talaga. At ito may nakita na ko. Hehehe!

Sino ba tong book boyrfriend ko? Hmmm..yong taong seventh wheel. Huhuhuh! Pareho yata kaming hopeless romantic. Siya lang ang walang leading lady. Ah! Ang character na ito ay nasa HEROES OF OLYMPUS SERIES by RICK RIORDAN! ANG PINAKAMAMAHAL KONG AUTHOR! 


HE IS LEO VALDEZ! SON OF HEPHAESTUS! kung nagbabasa kayo ng story ni Rick Riordan. Kilala niyo siya. Oh! BABATUKAN KO ang di pa nakabasa ng PERCY JACKSON. Unang boyfriend(percy) ko yan na character ni Tatay Riordan tapos di niyo siya kilala. Babangasan ko kayo. hahahaha! Actually,si Nico di Angelo dapat ang crush ko..mahihilig ako sa Loner eh. Pero si Leo na lang kasi carry pa rin niya ang problem nya. Mukha pa rin siyang masayahin kahit marami siyang problema. Kaya siya ang inspiration ko. Hehehehe! Pinatuloy ko naman kasi ang pagbabasa ng house of Hades kaya ito naalala ko naman siya. Hyss. Leo Valdez. Sana magkita na tayo kahit sa panaginip lang. Andito ako,pasasayahin kita. hahaha! You're single and I know it. Pareho tayo. hahahaha!

Wednesday, November 13, 2013

The Statistical Probability of Love at First Sight by Jennifer E. Smith

Teeeeeeeeeenan! May bago naman akong babasahin! Aba dapat lang hahahahaha!
Pahinga muna ako sa tagalog. English naman okay? Hahahahaha! May nakita akong libro na lalong magpapa-inspired sa akin Ang swerte ko talaga sa kabila ng mapait na sinapit ko matapos kung panoorin ang ROMEO and JULIET at mainlove sa pinsan ni Romeo. Alam ko naman na wala ng pag-asa para magkaroon ng happy ending ang movie na yan. Pero bakit ba ako umaasa. Ang babaw ko naman. Oh! Ayan na. Atat na atat na akong i-share sa inyo ang babasahin kong (ebook) this week. Isang magandang kwento na magpapasa ng araw ko. Owow!


The Statistical Probability of Love at First Sight by Jennifer E. Smith
10798416

Who would have guessed that four minutes could change everything?

Today should be one of the worst days of seventeen-year-old Hadley Sullivan's life. Having missed her flight, she's stuck at JFK airport and late to her father's second wedding, which is taking place in London and involves a soon-to-be stepmother Hadley's never even met. Then she meets the perfect boy in the airport's cramped waiting area. His name is Oliver, he's British, and he's sitting in her row.

A long night on the plane passes in the blink of an eye, and Hadley and Oliver lose track of each other in the airport chaos upon arrival. Can fate intervene to bring them together once more?

Quirks of timing play out in this romantic and cinematic novel about family connections, second chances, and first loves. Set over a twenty-four-hour-period, Hadley and Oliver's story will make you believe that true love finds you when you're least expecting it. 

Thursday, November 7, 2013

Ano bang magandang basahin huh?

Ano bang magandang basahin huh? Nalilito ako!
Sige na, pali lang kayo sa ibaba kung ano ang mas magandang basahin. Wala akong magawa ngayong araw at sabaw ang utak ko kaya naghanap ako sa google ng paranormal fantasy romance-young adult syempre. oh, weirdiness alert nanaman.. oh, nagiging alien naman ako. So, bear with me please. BLEE!











HMMMM...
BABASAHIN KO NALANG KAYA LAHAT. Hahahaha!

Wednesday, November 6, 2013

Leisel,the book thief. I love her.


It’s the story of one of those perpetual survivors— an expert at being left behind.

[courtsey:tumblr.com]

freshlers:

The Book Thief
✮ Watch the Trailer ⇒ Here!  ✮

Sunday, October 6, 2013

Throne of Glass by Sarah J. Maas

Yap,yap,yap! Nag-blog ako ngayon para i-share ang kina-aadikan ko ngayon. Wahahaha! Itong libro na ito na sa ebook ko lang binasa na bumago ng schedule ko dahil gusto ito na lang palagi ang gagawin ko. Magbasa mula umaga,tanghali at hanggang gabi. Grabe, binago ni CELEANA SARDOTHIEN ang takbo ng oras at pag-iisip ko. Sinipa niya talaga ako ng husto. Yang babae sa book cover sya yan. As in, kick-butter talaga siya. Siya ang ultimate assasin ng Aldana. Oo at kutob ko prinsesa siya ng terrasen, one of the falling kingdom of Arilea ba yon hahaha? Saka, grabe, ang intense talaga ng libro na ito. Akala ko competition lang to ng pagiging king's champion pero may isang twist sa story na pinapana ang puso ko kaya naman ayaw kong tumigil sa pagbabasa. Ee hindi lang sya typikal na fantasy ee kasi may fae at magic pangnalalaman pero yong mga bagay gaya ng patayan at sparring na yan,di talaga ako maka eye-batting. Kalokohan. Syenya weird ako ngayon. Half-way pa lamang ako sa libro, malapit ko ng matapos ang book 1. Saka, hindi lang basta urban fantasy to dahil may romance pang sangkap to. Aba, aba, aba... pansin ko na in love si Prince Dorian kay Celeana. hahaha! Pati yata si Chaol eh..may naaamoy akong love triangle sa story na to. Ah, by the way... ipapakita ko lang ang fan-art ng mga characters na galing mismo sa tumblr para lubos niyong ma visualize ang mga taong sinasabi ko. hayss.. nakakaloka talaga ang story na ito.



Prince Dorian,Celeana and Chaol *this is not mine*
pero ang gusto ko talaga ang makatuluyan ay si Prince Dorian at Celeane hahaha!
*Fangirling alert*

Friday, September 27, 2013

Book: The One(The Selection 3): Cover Reveal

Yong feeling na... hindi ko maintindihan!
Ah basta! Masaya ako kasi may cover na ang THE ONE!
WAAAAAAH! OMG OMG 

The One (The Selection, #3)

Tuesday, September 24, 2013

The False Prince Jennifer A. Neilsen


The False Prince
Jennifer A. Neilsen

Sino naman kaya ang hindi magiging adik sa story na 'to? At imposible naman kung hindi ito magiging new york times bestseller? Diba? Title pa lang mukhang cliche na pero pag nabasa muna magsisisi ka talaga. Bahala kayo kung sasabihan niyo akong LIAR? Sa una pa lamang, na swoon kaagad ako. Naka-relate kaagad ako sa ugali ni Sage also known as Prince Jaron. Nakalimutan ko na ang bansa. Matagal ko ng nabasa 'to. Akala ko talaga orphan si Sage pero nagdududa akong nagsisinungaling siya. Tama, he's a terrible liar. Why not? Talagang ginawa niya iyon para sa pansariling kaligtasan niya. Uso kasi sa bansa nila ang agawan ng trono. Kailan pa kaya di na uso yon? Hindi naman siguro pansarili o baka inutusan lang siya ng tatay niya. Angaling nasa vision na nito kaagad na may mangyayaring masama. Teka, ano yong ugali ni Sage na kinaadikan ko? Pagiging head strong at arogante niya syempre. Kagaya siya ng pamangkin ko. Kontra ko matigas ang ulo. Nakaka-high blood yon. Hindi required sa post na to ang pagkwento ko ng boud ng story. Spoiler yon. Well, book one pa lamang to. Saka di talaga uso ang romance dito. Btw, juvenile fantasy fiction ito. About talaga sa adventure ni Sage to at kung paano siya nakaahon sa karimlan ng buhay niya. Hanga ako sa author. Pinatatak niya talaga sa utak ko ang story na to. So let's proceed to book two. Ito ang kinatutuwa ng kaluluwa ko kasi confrim siya talaga. As in! So sa next post ko ang book two. Blee.

Sunday, September 22, 2013

Only Just a Dream. Why?


Sucks! Lahat ng to! Pinapangarap ko talagang halikan pero ni isa sa kanila wala ako. Hanggang ebook na alng huhuhu! Why so mahal kasi eh. Nakakainis. sige lang phoeb! makakapera rin tayo kapag may trabaho ka na. Makukuha mo rin huhuhuhu!

Book #1: Princess Academy by Shannon Hale


This is not a review? Perhaps. Basta, i-she-share ko lang kung ano ang pakiramdam at saloobin ko habang binabasa ko to. Hindi ako magaling sa english kaya taglish lang.Isa pa di naman ito, book review blog. Random blog ko naman ito at matagal ko ng binabalak na mag-blog tungkol sa binabasa ko at para ma share ko na rin sa inyo. Para ito sa stalker ko sa wattpad. Haha! Ayan, mga adik. Mas swerte kayo kung napado kayo sa munti kong blog. Syenya, masyadong lame at nakakairita ang blog ko. So anong paki ko, blog ko to eh.


Princess Academy [Book 1] by Shannon Hale
Summary:
Miri lives on a mountain where, for generations, her ancestors have quarried stone and lived a simple life. Then word comes that the king's priests have divined her small village the home of the future princess. In a year's time, the prince himself will come and choose his bride from among the girls of the village. The king's ministers set up an academy on the mountain, and every teenage girl must attend and learn how to become a princess.
Miri soon finds herself confronted with a harsh academy mistress, bitter competition among the girls, and her own conflicting desires to be chosen and win the heart of her childhood best friend. But when bandits seek out the academy to kidnap the future princess, Miri must rally the girls together and use a power unique to the mountain dwellers to save herself and her classmates.

~~~~

Teka, ano bang masasabi ko sa librong to. Hmm, sandali. Sa ebook ko lang to nabasa. Aba, syempre binili ko sa online bookstore hahaha! Hindi ako mayaman kaya ebook lang ang napagtyagaan. Ayan, mga stalker ko. Malalaman niyo na akong bakit adik ako sa FANTASY! Hahahaha!

~~~~

Hindi naman ito totally na fantasy pero historical story siya at fictional ang lugar. Pwede wala ng away?Naakit ako sa story kasi PRINCESS ACADEMY ang title. hahaha! Title palang eh, nakakabulahaw na kaya gora ako. Sinubukan ko. And it's so bongga pala. Naaliw nga ako. Hahaha! Hindi ito gaya ng story na may magic, knight in shining armor o kick butter na girlalosh. Hmm, ma-iinspired ka talaga. Hmm, feeling ko nasa medieval time ako ng binabasa ko to at nasa bundok o MOUNT ESKEL ako nakatira at may alaga akong kambing at kumakanta raw kuno ng quarry song. Bongga talaga sa ibang bansa no? At yong time na i-announce ng alagad ng hari na pipiliin lahat ng girl with the age of 14-17 chu-chu, naging excited ako. Ayay! di mo lang alam na parang maiiyak ako sa circumatances na nakamit ni Miri pero hanga ako sa kanya kasi ang tapang niya at hindi siya ignorante gaya ng iba. Saka napaka-friendly niya. Akalain mong maging kaibigan niya si Britta, ang babaing may sariling earth kasi di nagsasalita. Parang ako lang. hahaha! Ayoko ng spoiler kaya di ko sasabihin ang ending. Adik talaga ako. Pasensya na kung naguguluhan kayo. Weird lang ako.

~~~~
Kung gusto niyo rin mabasa 'to. Ask niyo lang ako sa wattpad inbox ko. Bibigyan ko kayo ng free .epub or .pdf file ng libro na to. basta bawal i-share. Sabihin niyong bumili na lang sila sa Amazon.