Tuesday, September 24, 2013

The False Prince Jennifer A. Neilsen


The False Prince
Jennifer A. Neilsen

Sino naman kaya ang hindi magiging adik sa story na 'to? At imposible naman kung hindi ito magiging new york times bestseller? Diba? Title pa lang mukhang cliche na pero pag nabasa muna magsisisi ka talaga. Bahala kayo kung sasabihan niyo akong LIAR? Sa una pa lamang, na swoon kaagad ako. Naka-relate kaagad ako sa ugali ni Sage also known as Prince Jaron. Nakalimutan ko na ang bansa. Matagal ko ng nabasa 'to. Akala ko talaga orphan si Sage pero nagdududa akong nagsisinungaling siya. Tama, he's a terrible liar. Why not? Talagang ginawa niya iyon para sa pansariling kaligtasan niya. Uso kasi sa bansa nila ang agawan ng trono. Kailan pa kaya di na uso yon? Hindi naman siguro pansarili o baka inutusan lang siya ng tatay niya. Angaling nasa vision na nito kaagad na may mangyayaring masama. Teka, ano yong ugali ni Sage na kinaadikan ko? Pagiging head strong at arogante niya syempre. Kagaya siya ng pamangkin ko. Kontra ko matigas ang ulo. Nakaka-high blood yon. Hindi required sa post na to ang pagkwento ko ng boud ng story. Spoiler yon. Well, book one pa lamang to. Saka di talaga uso ang romance dito. Btw, juvenile fantasy fiction ito. About talaga sa adventure ni Sage to at kung paano siya nakaahon sa karimlan ng buhay niya. Hanga ako sa author. Pinatatak niya talaga sa utak ko ang story na to. So let's proceed to book two. Ito ang kinatutuwa ng kaluluwa ko kasi confrim siya talaga. As in! So sa next post ko ang book two. Blee.

No comments:

Post a Comment

Any violent reaction?