Sunday, September 22, 2013

Random: Adventure Time!

What time is it?
ADVENTURE TIME!

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

One of my favorite cartoon, nowadays! Adik lang no? Akala niyo bata lang ang nanonood nito. Pwes, hindi ko to papalampasin. hahaha!
Bakit nga ba ako naging adik sa adventure time at pati ata ang nagda-dubbing ay ini-stalk pa sa net. Akala niyo kayo lang ang marunong mang-stalk. Pwes, kayo ay nagkakamali. Ako ang reyna ng mga stalker. hahaha! Joke lang. Salamat pala kasi napadpad kayo sa blog ko na puro kabaliwan lang ang alam. hahaha! So kamusta naman ang pagbabasa? Masaya ba o nakakatulo ng sipon o di kaya na-nosebleed na kayo. Wee? hahahaha!So balik muna tayo sa adventure time. Bakit nga ba ako naging adik sa palabas na ito? Aywan ko? Sapakin niyo ko para malaman niyo. Hmm. Ito kasi oh! Dahil kay Fin,Jake at Princess Bubble gum!O yan na! Wala ng away ha? Hmmmm, fav ko to kasi mahilig ako sa adventure at kapag na-sti-stress ako ay pinapanood ko to. Pampatanggal haggard face lamang to pero minsan gusto kong i-revise ang kwento haha! gusto ko si Fin at Princess Bubblegum ang magkatuluyan. Adik kasing fire princess na yan e di naman sila bagay ni Fin. Pagulo talaga. At isa pa tong Bubblegum. Hindi niya talaga type si Fin. Rock n roll! Muntik ko ng makalimutan si  Marceline the vampire queen! aha! alam ko na! Siya ang dahilan kaya naging adik ako! Nakikita ko ang sarili ko kay Marceline kasi adik siya minsan. Parang ako lang siya. Oh wala ng away ha?

No comments:

Post a Comment

Any violent reaction?