Sunday, September 22, 2013

Book #1: Princess Academy by Shannon Hale


This is not a review? Perhaps. Basta, i-she-share ko lang kung ano ang pakiramdam at saloobin ko habang binabasa ko to. Hindi ako magaling sa english kaya taglish lang.Isa pa di naman ito, book review blog. Random blog ko naman ito at matagal ko ng binabalak na mag-blog tungkol sa binabasa ko at para ma share ko na rin sa inyo. Para ito sa stalker ko sa wattpad. Haha! Ayan, mga adik. Mas swerte kayo kung napado kayo sa munti kong blog. Syenya, masyadong lame at nakakairita ang blog ko. So anong paki ko, blog ko to eh.


Princess Academy [Book 1] by Shannon Hale
Summary:
Miri lives on a mountain where, for generations, her ancestors have quarried stone and lived a simple life. Then word comes that the king's priests have divined her small village the home of the future princess. In a year's time, the prince himself will come and choose his bride from among the girls of the village. The king's ministers set up an academy on the mountain, and every teenage girl must attend and learn how to become a princess.
Miri soon finds herself confronted with a harsh academy mistress, bitter competition among the girls, and her own conflicting desires to be chosen and win the heart of her childhood best friend. But when bandits seek out the academy to kidnap the future princess, Miri must rally the girls together and use a power unique to the mountain dwellers to save herself and her classmates.

~~~~

Teka, ano bang masasabi ko sa librong to. Hmm, sandali. Sa ebook ko lang to nabasa. Aba, syempre binili ko sa online bookstore hahaha! Hindi ako mayaman kaya ebook lang ang napagtyagaan. Ayan, mga stalker ko. Malalaman niyo na akong bakit adik ako sa FANTASY! Hahahaha!

~~~~

Hindi naman ito totally na fantasy pero historical story siya at fictional ang lugar. Pwede wala ng away?Naakit ako sa story kasi PRINCESS ACADEMY ang title. hahaha! Title palang eh, nakakabulahaw na kaya gora ako. Sinubukan ko. And it's so bongga pala. Naaliw nga ako. Hahaha! Hindi ito gaya ng story na may magic, knight in shining armor o kick butter na girlalosh. Hmm, ma-iinspired ka talaga. Hmm, feeling ko nasa medieval time ako ng binabasa ko to at nasa bundok o MOUNT ESKEL ako nakatira at may alaga akong kambing at kumakanta raw kuno ng quarry song. Bongga talaga sa ibang bansa no? At yong time na i-announce ng alagad ng hari na pipiliin lahat ng girl with the age of 14-17 chu-chu, naging excited ako. Ayay! di mo lang alam na parang maiiyak ako sa circumatances na nakamit ni Miri pero hanga ako sa kanya kasi ang tapang niya at hindi siya ignorante gaya ng iba. Saka napaka-friendly niya. Akalain mong maging kaibigan niya si Britta, ang babaing may sariling earth kasi di nagsasalita. Parang ako lang. hahaha! Ayoko ng spoiler kaya di ko sasabihin ang ending. Adik talaga ako. Pasensya na kung naguguluhan kayo. Weird lang ako.

~~~~
Kung gusto niyo rin mabasa 'to. Ask niyo lang ako sa wattpad inbox ko. Bibigyan ko kayo ng free .epub or .pdf file ng libro na to. basta bawal i-share. Sabihin niyong bumili na lang sila sa Amazon.

No comments:

Post a Comment

Any violent reaction?