Ang 2nd installment ng house of windjammer. Ang librong
nakita ko sa bookstore. Bargain-bargain lang. Nagka interest ako kaya binili ko
at kaagad na binasa. Historical fiction siya kaya nagustuhan ko. Sayang book 2
na. Hinanap ko ang book 1 at 3 kaso wala. Kahit pdf or jar file wala.
Nakakainis. Kulang.
Fast forward sa story, sa prologue pa lang. Gyera na, sa
Point of view ni Adam Windjammer iyon. Nagvo-voyage siya dahil hahanapin niya
ang barkong lumubog ng tito niya para ibalik ang family honor niya na sinira ng
tatay ni Jade Vanhelsing na ka-love interest niya. Daming isyu ang story na
ito,love,money at honor. Kawawa si Jade dito kasi di gusto ng ama niya na
nagkaanak ng babae. Alam mo naman,ispesyal ang lalaki sa panahon ni Jade. 18
century iyon. Naka-set sa Netherlands. Kaya iyon,naglayas si Jade para
patunayang di siya worthless.may nakilala siyang taga-kalye. Basta may isyu
silang rini-solve para sa ama niya. May kinalaman iyon sa barkong sinakyan ni
Adam. Bata pa sila ha,mga 16 to 18. Traidor talaga yang tatay ni Jade kasi di
tinitigil ang pagsira sa buhay ni Adam. Samantala si Adam,matinding kagulhan
ang inabot. Mga kasama niya,treacherous. Yay! Matapos iyon,nakabalik siya sa
netherlands. Pero namiligro naman si Jade. Nagkita nga sila pero pinakita
niyang galit siya kay Jade. Err! Heartbreak ako. pero di ako naniniwalang di na niya mahal si
Jade,niligtas niya kasi ito. Iyon,pinakasal si jade sa matanda. Buti di
natuloy,pinatay kasi tatay niya. Ngayon matapang na siya.
Ang story na to, naiintriga ako. Grabe. Na iimagine ko
talaga mga away sa barko na gaya na lang sa pirates of carribean. Natatakot nga
ko eh baka mapatay si Adam. hmm..the story is good. mr. v.a. Richardson is
great. Sinasampal niya sa akin ang scene noong unang panahon kaya gising na
gising ako sa pagbasa non. Haha!
My rating is four of five. May kulang doon sa ini-expect ko.
Walang kissing scene. Haha!
No comments:
Post a Comment
Any violent reaction?